Monday, September 5, 2011

Bahay Kubo



 

Bunga ng kahapong paglingat
   sa pangakong sinambit
Sa pag-ibig ngayo’y salat
   buong araw kay pait
Di mapasan ang bigat
   buhat sa sandaling pagkaakit
Pagtangi mang di masukat
   nagdudusa man din sa pagkakapiit

Sa tuwina’y di mapakali
    di maglaho sa gunita
Pagsinta mong di naikukubli
    gaano man nasalanta
Di mabilang pagkakamali
    lumamon ng ating nakatakdang saya
Sa pagsintay nagbabakasakali
    puso’y tanggapin pa kaya
   
Sayong mga panambitan
    pangunawa’y tuluyang lumalago
Sa paghihimagsik di lalaban
    subalit di rin naman susuko
Mananatiling sayo kaylanman
    umaasang pagibig ay di maglalaho
Kaluluwa’y mapadpad man sa kawalan
    Pangalan mo’y nakaukit na sa pagkatao

Maghihintay sa ating bahay kubo.

No comments:

Post a Comment